I’m proud to be a K-fan!

Hello, mga kapitbahay!

Mayroon po tayong nakakwentuhan sa programa at naging focus ng aming kuwentuhan ang pagiging tagahanga niya ng Korean drama at siyempre ng K-pop.

Si Richie Breis ay isang call center agent na taga Caramoan,Camarines Sur.

At nakahiligan niya na manood ng K-drama noong magka-pandemya.

Paulit-ulit niyang pinanuod ang My Love from the star, obviously naging favorite niya ang lead male star na si Kim Soo-hyun kaya nga nang bumisita ang aktor dito sa bansa kamakailan ay isa siya sa sumisigaw sa audience.



Naging sobra ang kaniyang pagkagusto sa k-drama dahil para sa kaniya ay napaka-interesting ng plot ng story, and at the same time, napaka ‘visual‘ ng mga tauhan o artista.

Ang mga paborito niya ay sina Lee Min- Ho, Cha Eun-Woo, KimbSo-hyun.

Mahilig din siyang pumunta sa fan meet na nagstart nuong July 2022.

Kuwento ni Rich, una siyang nakapunta sa fan meeting ni Cha Eun-woo at talagang super excited siya.

Mabuti na lang dahil meron daw siyang budget at swak pa sa kaniyang schedule.

Alam n’yo bang ilang linggo daw ang nagdaan bago siya naka recover dahil sa napanuod niya ang isa sa kaniyang paboritong Korean celebrity?

Speaking of fan meeting, naitanong ko sa kaniya kung mahal ba ang tiket kapag gusto mong pumunta sa fan meeting?

Sagot niya ay oo, bagaman depende sa puwesto mo o kung saan ka mauupo sa event.

May VIP, General Admission.

Talagang pinag-ipunan daw niya na makuha ang VIP ticket para magkaroon siya ng chance na makita nang malapitan si Cha Eun-Woo kahit na ‘ hi’ and ‘hello’ lamang, ilang segundo lang nadadaan sa harap ng celebrity.

Kuwento pa niya na bago siya nakabili ng VIP ticket ay katakut-takot na paghihirap ang pinagdaanan niya.

Alas singko pa lamang ng umaga ay nanduon na siya sa ticket booth bagaman ang selling nito ay alas dose pa ng tanghali.

Ten thousand pesos daw ang presyo ng tiket na binili niya.

At palibahasa alam na alam ng mga kasama niya sa trabaho na k-fan siya kaya nang pumunta sa bansa si Kim So-hyun, bilang birthday gift sa kanya ay ibinili nila si Rich ng ticket kaya nakapunta siya .

Sa huli, sabi ni Rich, kahit naman tagahanga siya, marunong siyang rumespeto sa mga paboritong celebrity.

Dapat kasi ay intindihin na may personal din silang buhay.

Ang private time nila ay dapat na igalang.

Bagaman depende sa fans.

Mayroon kasi na sa sobrang excitement ay hindi ma-contain ang nararamdaman nila.

Sino ba sa inyo mga kapitbahay ang naka-relate sa sinabi ni Rich?


Until next time!

Courtesy: Rich Breis (A fan meet with K-Pop Star Cha Eun Woo)
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *