Imbestigasyon ng DOJ sa Rappler, suportado ng Malakanyang


Pinaboran ng Malakanyang ang gagawing inbestigasyon ng Department og Justice o DOJ sa Rappler.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque bahagi ng proseso sa desisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC sa pagkansela sa Article of Incorporation ng Rappler ang pagsilip kung lumabag ang mga ito sa Anti Dummy Law ng bansa.

Ayon kay Roque pagsunod sa batas ang isyu sa kinakaharap na problema ngayon ng Rappler at labas dito ang usapin ng press freedom.

Inihayag ni Roque kasalanan ng Rappler ang kinasuongang problema dahil hindi tumalima sa showcause order na inilabas ng SEC para ituwid ang pagkakamali sa kanilang Article of Incorporations na nagsasaad na hindi 100 percent na pag-aari ng Filipino ang kanilang organisasyon.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *