Imbestigasyon ng ICC sa umano’y extra judicial killings walang patutunguhan ayon kay Senador dela Rosa
Kumbinsido si Senador Ronald Bato dela Rosa na walang patutunguhan ang imbestigasyon ng International Criminal Court sa isyu ng umano’y extra judicial killings sa Pilipinas.
Sa harap ito ng pagpupursige ni ICC Prosecutor Karim Khan na ituloy ang imbestigasyon sa mga umano’y karumal dumal na kaso ng pagpatay sa Pilipinas.
Pero ayon kay dela Rosa hindi na miyembro ng ICC ang pilipinas kaya malabong makapasok ang mga taga icc para mag-imbestiga.
Magkakaroon lang aniya ng deadlock dahil wala namang magiging basehan ang ICC.
Bakit kailangan aniyang sumunod ang Pilipinas sa ICC kung hindi na member ang bansa.
Nanindigan naman ang Senador na walang nangyaring crime against humanity sa Pilipinas.
Si dela Rosa ang pinuno ng pambansang pulisya nang mangyari ang war on drugs ng Duterte administration.
2018 nang ipag- utos ni dating Pangulong Duterte ang pagkalas sa ICC matapos itong mag- imbestiga sa mga alegasyon ng umano’y pag-abuso sa war on drugs.
Meanne Corvera