Imbestigasyon ng Senado sa kinukwestyong paggastos ng DOH sa kanilang COVID response fund , sinimulan na

Umarangkada na ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa kinukwestyong paggastos ng DOH sa kanilang COVID response fund na umaabot sa mahigit 67 billion pesos.

Partikular na kinuwestyon ng mga Senador bakit hindi naibigay ang special risk allowance ng mga nurse at iba pang medical frontliners.

Sinabi ni Senador Richard Gordon na noong Hunyo, inanunsyo ng DOH na mayroon itong 9 billion na pondo para sa bagong tranche ng SRA.

Saan raw dinala ng DOH ang pera at bakit marami pa ring healthcare workers ang umaangal na wala pang natatanggap na allowance.

Present sa pagdinig sina Health secretary Francisco Duque at Atty Michael Aguinaldo, Chairman ng COA.

Kinastigo rin ng mga senador si Secretary Duque at pinagsabihang hindi dapat nagwawala o nagda drama na winasak ng COA ang kanilang dignidad matapos maglabas ng report.

Iginiit ni Gordon na trabaho ng COA na ilabas ang report kung saan nagastos ang pondo ng taumbayan.

Pinagsabihan rin ni Senador Risa Hontiveros, si Duque at sinabing kung may nawasak man aniya ngayong pandemya ito ay ang kinabukasan at kabuhayan ng milyon milyong pamilya at hindi dignidad ng DOH.

Hindi rin aniya ito dapat nagrereklamo na napupuyat at pagod dahil bahagi ito ng kaniyang pananagutan na siyang nakasaad sa batas.

Meanne Corvera

Please follow and like us: