Imbestigasyon ng Senado sa nangyaring glitch sa BPI nagsimula na
Nagsimula na ang imbestigasyon ng Senate Committee in Banks sa nangyaring computer glitch sa Bank of the Philippine Island.
Ayon kay Senador Francis Escudero, Chairman ng komite, kailangang ipaliwanag ngBPI ang nangyaring internal data processing error at matiyak na hindi na mauulit ang ganitong kapalpakan na lumikha ng takot sa mga depositors at mga negosyante.
Kahit nagbigay na aniya ng assurance ang BPI na hindi hacking at scam ang nangyari, kailangan pa ring suriin ang umiiral na security protocol ng bangko.
Batay na rin ito sa mga resolusyon na humihiling na imbestigahan ang isyu kasama na ang nangyaring problema sa BDO.
Kasama sa mga humaharap ngayon sa imbestigasyon ng Senado ang mga opisyal ng BPI, BDO at mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ulat ni: Mean Corvera