Imbestigasyon sa nabunyag na fake company Visa Scheme sa mga dayuhan palalawakin
Palalawakin ng Bureau of Immigration ang kanilang imbestigasyon sa nabunyag na Fake Company Visa Scheme sa mga dayuhan.
Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang 459 na nabuking nila na peke ang kumpanya ay mula Enero hanggang Oktubre lang nitong nakaraang taon.
Nais aniya nilang matukoy kung may kategorya ng industriya ang partikular na napapasukan ng mga pekeng kumpanya.
Binalaan naman ng BI ang mga agency na gumagamit ng pekeng kumpanya para sa aplikasyon ng working visa ng dayuhan na pwede silang mapanagot sa batas.
Suportado naman ng pamunuan ng BI ang mungkahi na magkaroon ng 3rd party process para sa initial betting ng visa application ng mga dayuhan.
Tiniyak ni Sandoval na may mga ginagawa na silang hakbang para maiwasan ang kurapsyon sa ahensya.
Madelyn Villar – Moratillo