Imbestigasyon sa nangyaring sunog sa bahagi ng PGH, nagpapatuloy
Walang naitalang namatay o nasugatan sa pagsiklab ng sunog sa ikatlong palapag ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Maynila kaninang madaling-araw.
Pero ayon sa Manila Public Information Office, tinatayang nasa 300,000 piso ang halaga ng pinsala.
Kabilang sa mga napinsala ang Nursery room pero maagap namang nailipat sa Sta. Ana Hospital ang nasa 12 bagong silang na sanggol pati na rin ang ilang pasyente ng pagamutan.
Nagsimula ang sunog alas-12:41 ng madaling-araw sa Operating room Sanitization area at idineklarang fire-out alas-5:41 na ng umaga.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Fire Department sa pinagmulan ng sunog.