Imbestigasyon sa nasunog na Air Busan sisimulan na ng South Korea

Firefighters work on an Air Busan plane that caught fire at Gimhae International Airport in Busan, South Korea, January 29, 2025. Yonhap/via REUTERS/File Photo
Ibabalik na ang mga bagahe ng mga pasaherong inilikas mula sa isang eroplano ng Air Busan na tinupok ng apoy sa isang paliparan sa South Korea, matapos ipalagay ng mga awtoridad na ligtas nang simulan ang isang full investigation sa nasunog na jet.
Lahat ng 169 mga pasahero at pitong crew members ay inilikas mula sa Airbus A321ceo gamit ang emergency slides noong Jan. 28, makaraang sumiklab ang apoy na ang ilan ay nagtamo ng minor injuries.
Ngayong Biyernes, Jan. 31 ay nagsagawa ang mga awtoridad ng isang risk management assessment bago isagawa ang isang full investigation sa nasunog na Airbus A321ceo plane, na nasa tarmac ng Gimhae International Airport sa southern city ng Busan.
Ayon sa tagapagsalita ng Air Busan, ang sunog na nagsimula humigit-kumulang alas-10.15 ng gabi (9.15pm Singapore time) noong Jan 28, nang ang jet ay naghahanda nang umalis patungong Hong Kong, ay unang na-detect ng isang flight attendant sa isang overhead luggage bin sa likurang kaliwang bahagi ng eroplano.
Sinabi ng transport ministry na ang 16,280kg ng jet fuel ay hindi na kailangang alisin, habang ise-secure naman ang iba pang hazardous materials gaya ng oxygen tanks.
Ang eroplano ay tatakpan ng isang canopy upang protektahan ito habang isinasagawa ang inspeksiyon, na magsisimula sa Feb 3.
Ang mga bagahe sa cargo hold ay inalis na rin ngayong araw, ayon sa ministry.

Firefighters try to put out the fire from an Air Busan plane at Gimhae International Airport in Busan, South Korea, January 28, 2025. Yonhap via REUTERS/File Photo
Ang insidente ay nangyari isang buwan matapos ang naganap na pinakamatinding air disaster sa South Korea, nang ang isang Jeju Air plane ay bumagsak sa runway ng Muan Airport habang nagtatangkang magsagawa ng isang emergency belly landing, na ikinamatay ng lahat ng 181 kataong lulan nito maliban sa dalawa.
Ang 17-taon nang gulang na single-aisle Air Busan ay may butas ng sunog sa kahabaan ng fuselare roof nito. Ang pakpak at makina ay hindi nasunog, batay sa pahayag ng Transport Ministry.
Ang imbestigasyon ay pinangungunahan ng Aviation and Railway Accident Investigation Board ng South Korea, at nitong Jan. 30 ay sinamahan ito ng mga kinatawan ng Bureau of Enquiry and Analysis for Civil Aviation Safety ng France.
Ang France ang estadong nagdisenyo para sa mga eroplano ng Airbus.
Ang Budget airline Air Busan ay bahagi ng Asiana Airlines ng South Korea, na noong Disyembre ay binili ng Korean Air.
Ang shares ng Air Busan ay nagsara sa 3.2 per cent ngayong Biyernes, Jan 31 pagkatapos bumagsak ng hanggang 6.1 per cent, kasunod ng isang apat na araw na holiday break.