Imbestigasyon sa pagpatay sa isang paring Katoliko sa Bukidnon, ipauubaya muna ng DOJ sa PNP
Hindi muna panghihimasukan ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pagpaslang sa isang paring Katoliko sa Bukidnon.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hihintayin muna nila ang mga mauungkat ng pulisya sa kaso bago siya magpasya ng anumang aksyon.
Sa paunang imbestigasyon ng lokal na pulisya, natagpuan ang katawan ng paring si Rene Regalado, 42 anyos, sa daan malapit sa Carmelite Monastery sa Brgy. Patpat noong Linggo ng gabi.
May mga tama ng baril sa ulo si Regalado at nakatali ang mga kamay.
Bago ang insidente ay sinasabing nakatatanggap na ng mga banta sa buhay ang pari na may kinakaharap na kasong rape.
Moira Encina