Imbestigasyon sa pagpatay sa OFW na si Constancia Dayag, nagpapatuloy – DOLE
Hindi humihinto ang pamahalaan para matukoy ang salarin sa pagpatay sa Pinay domestic helper na si Constancia Dayag.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III, bagamat naibigay na nila ang lahat ng maaaring itulong sa pamilya ng OFWS ay hindi pa rin ito sapat dahil hindi pa nila nakakamit ang katarungan.
Kamakailan ay inilibing na sa kaniyang hometown sa Dalenat, Angadanan, Isabela si Dayag.
Una nang kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang employer na si Bader Ibrahim Mohammad Hussain na sinasabing nagmaltrato at nang-abuso sa Pinay worker.
Iniulat naman ng DOLE na ang bangkay ni Dayag ay nakitaan ng mga contusions at hematoma.
“Pilit naming ginagawan ng paraan ang buong katotohanan kung paano siya namatay at sino ang may kagagawan. Hindi pa naman kami humihinto sa kakaimbestiga nyan”.