Imbestigasyon sa pananambang ng NPA members sa 5 pulis sa Labo, CamNorte, sinimulan na ng CIDG
Ikinalungkot ng Philippine National Police ang pagkamatay ng 5 pulis na nakipagsagupa sa mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Ildebrandi Usana, ipinag-utos na ni Lt. General Guillermo Eleazar ang hot pursuit operation at tinutugis na ngayon ang mga NPA members na sumalakay sa mga pulis para masampahan ng mga kakukulang kaso.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Criminal Investgation and Detection Group (CIDG) sa nasabing insidente.
Ipinag-utos din ni Eleazar ang pagpapaigting ng relasyon ng mga pulis sa bawat komunidad o Barangay para mawakasan na ang pananakot at pangongotong na ginagawa ng mga rebeldeng komunista.
“Right now, may imvestigation na isinasagawa ang ating CIDG, magsasampa sila ng kaso laban sa mga NPA members”.