Imbestigasyon sa Red tagging ng militar sa ilang celebrities at ilang makakaliwang grupo sinimulan na ng Senado
Sinimulan na ng Senado ang imbestigasyon sa alegasyon ng Red Tagging o pagdadawit ng militar sa ilang celebrities at ilang grupo ng kababaihan sa rebeldeng komunista.
Present sa pagdinig si AFP Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na inaakusahang dawit sa red tagging at iba pang matataas na opisyal ng militar.
Si parlade ang umano’y nagsabing iniimbestigahan at under surveillance si bayan muna chairperson Neri Colmenares at mga miyembro ng makabayan bloc dahil sa pagkakaugnay sa komunistang grupo.
Nagpadala ng imbitasyon ang Committee on National defense na pinamumunuan ni Senator Panfilo Lacson sa mga mambabatas sa pamamagitan ni House Speaker Lord Allan Velasco pero hindi sila sumipot sa pagdinig.
Ayon sa ipinadalang abogado ng MAKABAYAN BLOC abala raw ang mga mambabatas sa relief operations.
Meanne Corvera