Immediate relocation sa mga naninirahan sa Naga city, Cebu, ipinag-utos na ng DENR
Ipinag-utos na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang agarang paglilipat o relocation sa mga komunidad na naninirahan sa danger zone sa Naga city, Cebu kung saan naganap ang landslide kamakailan.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, natuklasan kasi ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na water storage pala ang ilalim ng nasabing lugar at ang porma ng lupa ay sliding, ibig sabihin talagang malaki ang posibilidad sa pagguho hindi lamang sa Naga city area kundi maging sa mga kalapit na lugar nito.
Nakikipag-usap na aniya sila sa National Housing Authority (NHA), Department of Social Welfre and Development (DSWD), at sa lokal na pamahalaan ng Naga city para sa pagre-relocate sa mga residente.
“Batay sa assessment ng MGB, hindi lamang yan ang pwedeng mangyari sa nasabing lugar dahil ang area na yan ay tubig ang ilalim eh at may mga sinkholes pa sa ilalim”.