Immigration pinapaigting ang kampanya laban sa human smuggling at trafficking
Human smuggling at trafficking ang nananatiling pangunahing problema ng Bureau of Immigration (BI).
Kaya naman patuloy na pinalalakas ng ahensya ang kampanya laban sa human smuggling at trafficking sa pamamagitan ng koordinasyon sa iba pang ahensiya ng gobyerno.
Sinabi ni Dana Sandoval, spokesperson ng BI, pinapaigting din ng ahensya ang intelligence gathering lalo na sa mga probinsiya kung saan nare-recruit ang mga biktima ng human smuggling at trafficking.
Inihayag ni Sandoval na maghihigpit ang BI sa secondary check sa mga papalabas at papasok sa bansa dahil sa pamamagitan nito ay nasasabat ang mga biktima ng human smuggling at trafficking.
Niliwanag ni Sandoval na patuloy din ang ginagawang upgrading ng data base ng ahensiya dahil dito lumulusot ang mga sindikato ng human smuggling at trafficking kasabwat ang ilang tiwaling tauhan at opisyal ng ahensiya.
Vic Somintac