Immunization, mahalagang pamana sa mga bata
Patuloy na nagpapaalala ang Department of Health o DOH sa publiko na pabakunahan ang kanilang anak laban sa tigdas.
Ayon sa eksperto, maaaring humantong ang tigdas sa mga komplikasyon tulad ng diarrhea, pneumonia, pagkabulag at pagkamatay…kung ito ay hindi maaagapan.
Ang pagbabakuna lamang ang pinaka ligtasat epektibong paraan upang ito ay maiwasan.
Nauna nang kinumpirma ng DOH na may measles outbreak o pagkalat ng tigdas sa National Capital Region at Central Luzon.
Ayon pa sa DOH, dalawa ang dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga batang binabakunahan.
Una, walang oras ang ina na dalhin sa health center ang bata upang pabakunahan at ang pangalawa ay ang dengvaxia scare.
Samantala, sa panig naman ni Dra. Arissa Gonzales, isang pediatrician o espesyalista sa sakit ng mga bata, binigyang diin niya sa mga magulang na napakahalagang sanggol pa lang ay maingatan na ang kanilang anak laban sa mga sakit na nakamamatay tulad ng tigdas.
“lalo ngayon ano, talagang panahon ng sakit kung malalaman ninyo, ang bilis kumalat, halos hindi lang isa isa talagang sambahayan ang dinadale ngayon ng sakit eh masyadong mataas po ang mga sakit na kumakalat ngayon so you have to know the importance of proper hydration tapos to improve your immune systems you need to give him mga vitamins po ng mga bata huwag ninyong kalilimutan and of course you neeed to support the immune systems thru immunization at saka po yung mga vaccines huwag ninyo hong kalilimutan napakahalagang pamana sa mga bata sa health nila.”
Ulat ni Bel Surara