Immunotherapy, malaki ang maitutulong sa mga may lung cancer, ayon sa mga eksperto
Hanggang sa kasalukuyan nangungunang sanhi pa rin ng kamatayan ng maraming tao ang lung cancer.
Ayon sa World Health Organization walo punto walong milyong katao sa buong mundo ang namatay dahil sa cancer noong 2015.
22% dito ay dahil sa lung cancer na ang sanhi ay ang paninigarilyo.
Ang magandang balita, may bagong treatment para lunasan ang mga pasyenteng may lung cancer.
Tinatawag itong Immunotherapy na malaki ang maitutulong sa mga taong dumaranas ng nabanggit na sakit.
Sa Immunotherapy, gumagamit ang Oncologist o espesyalista sa cancer ng injectable drug.
Ibinibigay ito ng Oncologist sa pasyenteng may lung cancer na may pagitan na isang oras.
Ang ginagawa ng Immunotherapy ay hinahanap niya ang mga cancer cells na nasa katawan ng pasyente at kanyang pinapatay ito.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pag iimbestiga ng mga eksperto kung maaari din itong gamitin sa iba pang cancer tulad ng breast cancer, bladder cancer at iba pa.
Payo naman ng mga eksperto, upang makaiwas sa sakit, isaisip lagi na “an ounce of prevention is better than a pound of cure”.
Ulat ni: Anabelle Surara