Impeachment complaint Laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista ibinasura ng Kamara
Ibinasura na ng House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista at idineklarang insufficient in form ang reklamo.
Dalawang Kongresista ang bumoto na ideklarang sufficient in form ang reklamo habang 26 naman ang bumoto kontra dito.
Nabasura ang reklamo dahil sa isyu ng teknikalidad.
Sa botong 2-27 hindi rin tinanggap ng komite ang substitute verification na inihaing ng complainants na sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Cong. Jacinto Paras na nagnanais ma-amend ang bahagi ng verification sa kanilang reklamo.
Batay kasi sa orihinal na reklamo ay nakaformat ito para sa kung may 1/3 house members ang nag endorso ng reklamo.
Giit ng mayorya ng mga miyembro ng Justice Committee walang legal na basehan para tanggapin ang substitute verification.
Ayon kay Capiz Cong. Fred Castro bagaman may jurisprudence o naunang desisyon hinggil rito ang Korte Suprema hindi nito maaaring pangibabawan ang Kamara sa ginagawang impeachment proceeding.
Paliwanag naman ni Albay Cong. Edcel Lagman, walang specific rule na nagpapahintulot sa complainant na i-amend ang verification ng reklamo nito.
Bukod rito, ang paghahain aniya ng substitute verification ay isang malinaw na pag amin na depektibo talaga ang inihain nitong reklamo.
Binigyang diin rin ng mga Kongresista na malinaw naman na sinabi ng komite na huling beses na nilang paiiralin ang pagiging liberal sa impeachment complaint na inihain noon ni Magdalo Rep. Gay Alejano laban kay Pangulong Durterte.
Giit naman ni Kabayan Rep. Ron Salo dapat na maging patas lang ang komite dahil ang reklamo ng VACC at Vanguard laban kay Chief Justice Lourdes Sereno ay nabasura dahil sa isyu ng teknikalidad.
Binigyang diin ni Fariñas na ang substitute verification ay hindi sa komite naka-address at sa halip ay sa House of Representatives mismo kahit ang ceritification ay mali dahil sa halip na sa Sec. Gen ay sa notary public ito pinanumpaan.
Pinuna rin ni Fariñas ang ilang bahagi ng nakasaad sa reklamo na pawang galing sa mga pahayagan lang.
Dahil dito, isang taong hindi maaaring sampahan ng impeachment complaint si bButista kung saan ang impeachment ban ay nagsimulang umiral noong September 7,2017 hanggang September 7, 2018.
Samantala, present sa pagdinig kanina ang misis ni COMELEC Chair Bautista na si Patricia, para sana patunayan ang authenticity ng affidavit nya na kasama sa ginamit na ebidensiya sa complaint.
Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo