Impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista sisimulan ng talakayin ng House Committee on Justice sa susunod na linggo

Sisimulan ng talakayin ng House Committee on Justice sa susunod na linggo ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, ang pagdinig ay itinakda nila sa araw ng Martes.

Pero sa pagdinig hindi pa obligadong humarap si Bautista at ang kinakailangan pa lamang ay ang mga complainant at endorsers nito.

Betrayal of public trust at culpable violation of the constitution ang batayan ng reklamo na inihain laban kay Bautista.

Ang reklamo laban kay Bautista ay nag ugat sa alegasyon ng asawa mismo ni Bautista na si Patricia kaugnay sa umanoy ill gotten wealth nito na nagkakahalaga ng isang bilyong piso.

kabilang din sa reklamo ay ang pagtanggap ni Bautista ng komisyon at accountability nito sa data branch gayundin ang pagpapalit ng script sa transparency server na sinasabing naging dahilan ng dayaan noong 2016 elections.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *