Impeachment complaint na inihain ni Atty. Gadon laban kay CJ Sereno, idineklarang sufficient in form and substance

Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mga taga oposisyon, idineklarang sufficient in form and substance ang isa sa impeachment complaint na inihain laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay ang reklamo ni Atty. Larry Gadon na unang tinalakay ng House Committee on Justice.

Unang pinagbotohan ang sufficiency in form ng Gadon impeachment complaint at 30 kongresista ang bumoto ng pabor habang 4 naman ang kumontra.

Giit ng mga kumokontra sa reklamo, dapat ideklarang depektibo ang impeachment complaint na inihain ni Gadon dahil sa pawang nakabase lang ito sa newspaper clippings.

Pero inisa isa ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang mga aniyay authentic evidence na isinumite ni Gadon na mula umano sa Korte Suprema.

Pero giit ni Dinagat Island Cong. Kaka Bag-ao kaduda duda kung paanong nakuha ni Gadon ang mga reklamo dahil nang ihain niya ang reklamo ay kalalabas lang ng mga masabing SC documents.

Sunod ito pinagbotohan ang sufficiency in substance kung saan sa boto namang 30 pabor at 4 na kontra ay idineklarang sufficient in substance ang reklamo.

Culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, corruption and other high crimes ang basehan ng mga reklamo ni Gadon laban kay Sereno.

Ito ay dahil sa pagbili ni Sereno ng overpriced p5.1 million brand-new at high-end 2017 Toyota Land Cruiser na pinabullet proof pa at nagkakahalaga  ng ₱4 million, hindi pagdedeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth ng kinita nito sa kanyang lawyer’s fees na nagkakahalaga ng $745,000 o katumbas ng p37 million, mamahaling travel allowances at iba pa.


Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *