Impeachment complaints inihain Laban kay Chief Justice Sereno sa Kamara
Naghain ng impeachment complaint sa Kamara ang grupong VACC kasama ang Vanguard of the Phil. Constitution laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust ang grounds ng impeachment complaint laban kay Sereno.
Ito ay dahil sa paglalabas ni Sereno ng admin. order para sa pagbuo ng bagong Judiciary decentralized office at muling pagbubukas ng Regional Court Admin. Office sa Western Visayas ng walang authority mula sa en banc.
Lumabag rin sa konstitusyon si Sereno dahil sa mga nakitang iregularidad sa pagtatalaga ng ilang opisyal, pagbibigay ng travel allowance sa mga staff na bumiyahe sa ibang bansa gamit ang pondo ng SC ng walang pahintulot ng en banc.
Bigo rin si Sereno na punuan ang ilang bakanteng posisyon sa SC at pag upo sa mga aplikasyon para sa pwesto sa SC deputy clerk of court at chief attorney na nabakante na sa loob ng mahigit 3 taon at 2 Asst. Court administrator na mahigit 4 na taon na.
Pero malabo namang umusad ang reklamo dahil wala itong endorser na miyembro ng Kamara.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo