Impeachment ni Yoon, sinimulan nang repasuhin ng South Korea court
Sinimulan na ng Constitutional Court ng South Korea ang pagrepaso sa impeachment ng President Yoon Suk Yeol kaugnay ng kaniyang Dec. 3 martial law attempt, habang plano naman ng mga imbestigador na kuwestiyunin siya ngayong linggo.
Lahat ng anim na kasalukuyang mahistradp ng korte ay dadalo sa unang pagpupulong tungkol sa impeachment, na ipinasa ng opposition-led parliament noong Sabado. Mayroon lamang anim na buwan ang korte upang pagpasyahan kung aalisin o papananatilihin si Yoon sa puwesto.
Lawmakers of the main opposition Democratic Party, Seoul, December 7, 2024. EON HEON-KYUN/Pool via REUTERS
Si Yoon at ilan pang senior officials ay mahaharap sa potensiyal na kaso ng insureksiyon, dahil sa maikling martial law.
Si Yoon ay planing ipatawag ng isang joint team ng mga imbestigador mula sa pulisya, defense ministry at isang anti-corruption agency upang kuwestiyunin.
People watch a TV screen, broadcasting South Korean President Yoon Suk Yeol delivering an address to the nation, at a railway station in Seoul, South Korea on Dec. 12. (Kim Hong-Ji/Reuters)
Hindi naman agad na mahingan ng kumpirmasyon ang tanggapan ng mga imbestigador.
Nitong Linggo, hindi tumugon si Yoon sa pagpapatawag sa kaniya upang siya ay kuwestiyunin sa isang hiwalay na imbestigasyon ng prosecutor’s office.