Impeachment trial laban kay Chief Justice on-leave Sereno, posibleng tumagal ng 3 buwan

Posible umanong tumagal ng hanggang tatlong buwan ang Impeachment trial laban kay Supreme Court chief justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Pero ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, posibleng mapaikli o humaba pa ang paglilitis depende sa ihaharap na Articles of impeachment ng Kamara.

Diskarte na aniya ng kamara na tatayong prosecutor kung isasampa o babawasan ang 34 na reklamo laban kay Sereno gaya ng ginawa noon sa Impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Diskarte na rin aniya ng mga kongresista kung ilan ang ihaharap na mga testigo.

Tiniyak ni Pimentel na plantsado na ang lmpeachment rule at nagkasundo na ang mga Senador sa kanilang magiging schedule.

Sa insiyal na kasunduan, gagawin mula Lunes hanggang Martes ang sesyon at public hearing sa Senado habang Miyerkules hanggang Biyernes mula 2:00 hanggang 8:00 ng gabi ang Impeachment trial sa Senado.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *