Implementasyon ng Anti Distracted Driving Act ipinasususpinde muna ni Sen. JV Ejercito

Ipinasususpinde muna ni Senador JV Ejercito ang implementasyon ng Anti Distracted Driving Act o paggamit ng anumang communications gadgets habang nagmamaneho.

Sa harap ito ng matinding batikos na inaabot ng gobyerno sa publiko matapos ipag utos ang pagtanggal pati na ang nakakaapekto sa line of sight ng driver tulad id o air freshener na nakasabit sa rear view mirror.

Ayon kay Ejercito, Vice Chairman ng Senate Committee on Public Services, tila hindi naintindihan ng mga opisyal ng Department of Transportation at Land Transportation Office ang Implementing Rules and Regulations.

Sa ilalim ng Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act mahigpit na ipinagbabawal ang  pagte text, pagtawag o paglalaro sa anumang communications gadgets.

Pero sabi ni Ejercito, tila ginagawang kumplikado ng mga otoridad ang batas gayong ang ipinagbabawal lamang ay ang paggamit ng cellphone at iba pang communication gadgets habang nagmamaneho.

Iginiit naman ng Senador na hindi dapat ipagbawal ang paggamit ng telepono sa navigation lalo’t hindi naman ito hinahawakan at nakakatulong ito para humanap ng ibang alternatibong ruta lalo na kapag matindi ang traffic.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

——

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *