Implementasyon ng expanded number coding scheme dapat ikonsulta muna sa lahat ng sektor ayon sa ilang Senador

Pinaghihinay hinay ni Senadora Grace Poe ang Metro Manila Development Authority sa pagpapatupad ng expanded number coding scheme.

Sa ilalim ng panukala ng MMDA, dalawang araw sa loob ng isang linggo magpapatupad ng nunber coding.

Pero ayon kay Poe, dapat na pag-aralang mabuti ang planong pagpapatupad ng panukala at dapat ikonsulta sa lahat ng sektor na maaring maapektuhan.

Dapat rin aniyang isa-alang alang ang kapakanan ng mga commuters na tiyak na aaray kapag nilimitahan ang pagbyahe ng mga jeep at bus.

dapat malaman mismo sa mga maapektuhang motorista kung ito ba talaga ang pinaka-epektibong solusyon o posibleng mas marami ang maperwisyo sa halip na masolusyunan ang problemang dulot ng traffic.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *