Implementasyon ng granular lockdowns sa Metro Manila, wala pang approval ni PRRD
Nananatiling for approval pa ni Pangulong Rordigo Duterte ang bagong quarantine responses kabilang ang rekomendasyong granular lockdowns sa Metro Manila.
Itoy’ kahit pa inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagpapatupad ng granular lockdowns sa NCR simula September 8.
Sinabi ni Presidential spokesperson secretary Harry Roque na nasa Pangulo ang huling pasya.
Sa ilalim ng localized lockdows, ang mga health worker lamang ang papayagang lumabas ng kanilang tahanan at ipagbabawal na ring lumabas ang Authorized persons outside residence (APORs).
Maaari namang nakapag-operate ang ilang negosyo at establisimyento ngunit mas babawasan ito sa ilalim ng granular lockdown.
Ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine hanggang September 7.
Nasa ilalim rin ng MECQ ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Apayao, Bataan, Aklan, Iloilo, at mga lungsod ng Lucena, Lapu-Lapu, Cebu, Mandaue, at Cagayan de Oro.