Importasyon ng karagdagang 8,280 MT ng isda, Aprubado na ng DA
Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA), ang karagdagang importasyon ng 8,280 metriko toneladang (MT) maliliit na frozen pelagic fish, upang punan ang domestic supply na naapektuhan ng kamakailan ay mga bagyong tumama sa bansa at matiyak na rin na magiging matatag ang retail prices sa mga pamilihan.
Binago ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel,Jr., ang dating certificate of necessity to import na inisyu niya para sa importasyon ng 30,000 MT ng maliliit na pelagic fish, upang ma-accommodate ang karagdagang import stocks at para na rin maragdagan ang domestic stocks, habang umiiral pa ang closed fishing season sa buong bansa na nagsimula ngayong buwan.
Kabilang sa small pelagic fish ang Sardinas, Galunggong, Anchovies, at Mackerel.
sa ilalim ng mga patakarang namamahala sa karagdagang dami ng pag-import, ang mga aangkatin ay dapat na dumating sa bansa bago ang Pebrero ng susunod na taon, kung kailan nakatakdang matapos ang ilan sa closed fishing season.
Magpapalabas naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng kaukulang sanitary and phytosanitary import clearance, para sa karagdagang imports lamang hanggang sa Disyembre 16.