Importation program ng Department of Agriculture, walang epekto sa presyo ng isda
Nanindigan ang Department of Agriculture (DA), na walang epekto sa presyo ng isda ang kanilang importation program.
Sa datos ng DA noong Pebrero 11, parehong nasa P240 per kilo ang average na halaga ng imported at lokal na galunggong sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa price monitoring ng DA, sa halip na bumaba ang halaga ang imported na galunggong ay tumaas pa ito sa P240 mula sa P200.
Sa Muntinlupa City at Malabon Central Market, ay pumapalo pa sa P260 per kilo ang presyo ng galunggong.
Nasa 60,000 toneladang imported na isda ang pinahintulutan ng DA na makapasok sa bansa para sa first quarter ngayong taon, at kailangang agad na mailabas sa merkado ang mga ito sa loob ng 20 araw pagdating sa bansa.
Sa panuntunan ng DA, hindi dapat lumampas ng P90 per kilo ang benta ng mga importer sa inangkat na isda, dahil papatungan pa iyon ng mga trader at mga nagtitinda sa palengke.