Imus City Cavite, ginawaran ng pagkilala dahil sa mahusay na pangangalaga sa kalikasan

photo credit: Imus city cavite FB page

Ginawaran ng pagkilala ng Manila Bayani awards and Incentives (MBAI), ang Imus City sa Cavite dahil sa kanilang mga programa at proyekto ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

Nakuha ng lunsod ang First place sa MBAI program ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng City category.


Samantala, nakuha naman ng Makati City ang 2nd place at 3rd place naman ang Balanga City sa Bataan Province.


Bukod sa Plaque of Recognition, mayroon ding kasamang cash prize na natanggap ang Imus City LGU na 1.5 milyong piso.

Ayon kay Mayor Emmanuel Maliksi, dahil sa pagtutulungan at kooperasyon ng mamamayan sa lokal na pamahalaan kaya matagumpay nilang naisakatuparan ang mga proyekto at programa ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

Jet Hilario

Please follow and like us: