Ina ng doktor na namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia, naghain ng kaso sa DOJ

Naghain na rin ng reklamo sa DOJ ang ina ng doktor na sinasabing namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Kasama ni Ginang Norma Gotoc, ina ni Dr Kendrick Gotoc, na nagsampa ng kaso si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta na tumatayong abogado ng pamilya.

Ito na ang ika-31 kaso na inihain ng PAO sa DOJ kaugnay sa Dengvaxia controversy.

Pangunahin sa kinasuhan sina Health Secreyary Francisco Duque III at dating kalihim ng DOH na si Janette Garin.

Ayon kay Acosta, binakunahan si Dr Gotoc na 37 anyos ng anti-dengue vaccine noong 2016 nang ito pa ay nasa Quezon City Health Department kahit hindi naman ito estudyante sa public school na kasama sa age group na tuturukan

Ito ay dahil anya sa inobliga ang mga doktor at non-doctors staff ng QC Health Department na turukan ng Dengvaxia matapos maraming bakuna ang hindi nagamit.

Ikinuwento pa ng kapatid ni Dr Gotoc na si Cristina na humingi ng tulong sa DOH ang kanyang kapatid nang ito ay magkasakit pero tumanggi na ito ay tulungan.

Kasama rin sa ipinagharap ng reklamo sa DOJ ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng  DOH, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Sinampahan na rin ng kaso ang mga opisyal ng Philippine Children’s Medical Center na sina Dr Raymundo Lo at Dr Sonia Gonzales na itinuturong lumagda sa purchase request para bumili ng Dengvaxia noong 2016.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *