Ina ng Maute brothers at dating mayor ng Marawi City, pormal nang sinampahan ng kasong rebelyon sa Korte

farhana

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Sinampahan na ng kasong rebelyon sa Korte ang ina ng magkapatid na sina Abdullah at Omar Maute na si Ominta Romato Farhana Maute.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kasong rebelyon ang inihain laban kay Farhana sa korte sa Cagayan de Oro City nitong Martes

Kasama sa mga kinasuhan ang dating Alkalde ng Marawi na si Fahad Salic.

Bukod kina Farhana at Salic, siyam na iba ang nasampahan din ng kaparehong kaso.

Nakitaan ng probable cause ang reklamong isinampa laban sa labing isang indibidwal kaya dapat silang malitis para mapanagot sa nangyaring pag-atake sa Marawi City.

Kasama rin sa pinagbatayan ng paghahain ng kaso ang nasamsam na mga baril, bala, at mga pampasabog mula sa mga akusado.

Si Farhana na naaresto sa Masiu, Lanao del Sur  ay pinaniniwalAng financier ng Maute Group.

Si Salic naman ay kasama sa arrest order number 2 na inisyu ni Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana dahil sa hinala na siya ay konektado sa Maute.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *