Inarestong consignee ng 6.4 bilyong pisong Smuggled shabu, nanindigang inosente sa kasong drug importation
Nanindigan ang consignee sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment na si Eirene Mae Tatad na inosente siya sa kasong drug importation.
Dinala sa National Bureau of Investigation o NBI headquarters sa Maynila si Tatad mula sa Iloilo kung saan ito naaresto ng mga tauhan ng NBI.
Ayonk ay Tatad, dummy lang siya ni Customs fixer Mark Ruben Taguba II.
Iginiit nito na hindi siya nagtago kundi nagbakasyon lamang sa Iloilo dahil sa sobrang stress.
Sinabi naman ng NBI na bago pa man ipalabas ng Korte ang warrant of arrest laban kay Tatad ay natunton na ang kinaroroonan nito sa Iloilo.
Nakikipag-ugnayan na umano sa mga otoridad ang bayaw ni Tatad at siyang sumama sa mga tauhan ng NBI kung nasaan ito sa Iloilo.
Si Tatad ang sole proprietor ng EMT Trading na itinuturing consignee ng naipuslit na shabu shipment mula China.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===