Inarestong may-ari ng Wellmed Dialysis Center, isasalang sa inquest proceedings sa DOJ

Inaantabayan sa DOJ ang inquest proceedings sa may-ari ng kontrobersyal na Wellmed Dialysis Center na si Bryan Sy.

Si Sy ay inaresto ng NBI noong Lunes matapos lumutang sa headquarters ng ahensya.

Ayon sa NBI, nakitaan nila ng sapat na basehan ang mga ebidensyang hawak nila laban kay Sy kaugnay sa ghost dialysis scam.

Mga  reklamong estafa at falsification of documents ang nakatakdang ihain ng NBI laban kay Sy.

Bukod kay Sy, inaasahang isasailalim din sa inquest proceedings at kakasuhan ang dalawang dating Wellmed employees sina Edwin Roberto at Liezel Santos na nagbunyag sa pekeng claims sa Philhealth ng dialysis center.

Sinabi ng NBI na kailangan ding mapagharap ng reklamo sina Roberto at Santos para maging state witness sa oras na maikyat sa korte ang kaso.

Una nang hiniling ng dalawa na maisailalim sila sa Witness Protection Program ng DOJ dahil sa pangamba sa kanilang buhay.


Si Brian Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center, nang humarap sa National Bureau of Investigation headquarters kasama ang abogado noong June 10

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *