Inciting to sedition, isinampang kaso vs uploader ng Bikoy videos na si Roel Jayme
Kinasuhan na ng National Bureau of Investigation o NBI sa Department of Justice o DOJ ng inciting to sedition ang sinasabing uploader ng Bikoy videos na si Rodel Jayme.
Si Jayme ay dinala sa DOJ ng NBI para isailalim ito sa inquest proceedings. Siya ay partikular na inireklamo ng NBI Cybercrime Division ng paglabag sa Article 142 ng Revised Penal Code o inciting to sedition in relation to Anti Cybercrime law. Ayon sa reklamo ng NBI, maituturing na scurrilous o mapanira ang mga alegasyon sa mga video at maikukonsiderang may layuning magdulot ng gulo sa gobyerno at public order. Tinukoy din ng NBI ang iba pang social media sites na nangunguna sa pagshare ng Ang Totoo Narcolist videos. Ang mga ito ay ang Pinoy Ako Blog, Change Scamming, Madam Claudia at What The Fact Blog. Sinabi ng NBI na hindi simpleng like o share lang ng videos ang ginawa ni Jayme at ng mga kasabwat nito. Naniniwala ang NBI na ang pagpost ni Jayme at ng mga nasabing sites sa kontrobersyal na videos ay hindi lamang pagpapahayag ng kanilang opinyon kundi concerted effort para magkaroon ng mas komplikadong resulta. Ulat ni Moira EncinaPlease follow and like us: