Incoming Ombudsman nakadepende sa shortlist na isusumite ng JBC kay Pangulong Duterte-Malakanyang
Nilinaw ng Malakanyang na nakadepende pa rin sa shortlist ng Judicial and Bar Council o JBC ang susunod na Ombudsman kapalit ng nakatakdang magretiro na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niya ng babae at pulitiko bilang Ombudsman.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque hihintayin ng Malakanyang ang shortlist ng JBC kung saan dito pipili si Pangulong Duterte.
Kabilang sa mga nag-apply sa JBC bilang Ombudsman sina Edna Batacan, Rex Rico, Rey Ifurung, Felito Ramirez, Rainier Madrid, Judge Carlos Espero II, Special Prosecutor Edilberto Sandoval, Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires at Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz.
Kaugnay nito lilinawin umano ni Roque kay Pangulong Duterte kung ano ang kanyang pakahulugan kung bakit ayaw nito ng isang babae bilang Ombudsman.
Ulat ni Vic Somintac