Incoming Ombudsman Samuel Martires, ipaprayoridad ang mga pending na kaso at ang isyu ng ‘parking fees’ para di umusad ang kaso sa Office of the Ombudsman

Isa sa mga ipaprayoridad ni incoming Ombudsman Samuel Martires ay ang isyu ng tinatawag na ‘parking fees’ para hindi umusad ang mga kaso sa Office of the Ombudsman.

Sa panayam kay Martires matapos ang huli niyang flag raising ceremony sa Korte Suprema, sinabi nito na idi-demand niya kay Atty Edna Batacan na tukuyin nito ang pagkakakilanlan ng empleyado o opisyal ng Office of the Ombudsman na binayaran nito ng ‘parking fee’

Si Batacan na dating abogado ni Pangulong Duterte ay isa sa mga nag-apply sa posisyon ng Ombudsman.

Isiniwalat ni Batacan ang ukol sa parking fee sa kanyang public interview ng Judicial and Bar Council.

Bukod sa nasabing isyu, una sa listahan ni Martires sa kanyang panunungkulan bilang Ombudsman ang mga pending na kaso at ang isyu ng sobrang naantalang kaso sa Ombudsman.

Nakatakda anyang inanunsyo ang plano niya kung paano reresolbahin ang mga delay sa kaso kapag pormal na siyang naupo sa posisyon.

Aminado si Martires na mahirap na trabaho ang kanyang kakaharapin pero handa siyang sa mga hamong ito.

Inaasahan na rin ni Martires na maraming magagalit sa kanya at bubusisiin ang lahat ng mga desisyon niya na ginawa noong siya pa ang Sandiganbayan at SC justice at iuugnay sa pagiging appointee niya ni Pangulong Duterte.

Sa Miyerkules, August 1 ay inaasahang magsisimula na si Martires sa anti-graft office.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *