Increase sa SSS contribution, pinag-aaralan pa – Valdez
Pinag-aaralan pa ngayon ng Social Security System o SSS ang tamang timing kung kailan nila maaaring ipatupad ang increase sa contribution ng kanilang mga miyembro.
Ayon kay SSS President Amado Valdez, mayroon na silang mga actual studies tungkol dito.
Mismong si Pangulong Duterte ay pinag-aaralan din kung kailan maaring magtaas ng contribution ang SSS sa kanilang mga miyembro.
Pero ayon kay Valdez, posibleng mangyari na sa Mayo ang 1.5 percent increase sa SSS contributions.
Dahil mangangailangan ang ahensya ng ₱34B kada taon para pondohan ang adjustment sa buwanang pension ng mga SSS pensioner.
Please follow and like us: