Incumbent Albay Governor Rosal, dinisqualify ng COMELEC
Diniskwalipika ng Commission on Elections si incumbent Albay Governor Noel Rosal bilang kandidato sa pagka-gobernador noong May 9, 2022 elections.
Sa 10 pahinang resolusyon ng Comelec 1st division, nakasaad na guilty si Rosal ng paglabag sa election code.
Ang kaso laban kay Rosal ay nag-ugat sa pamamahagi ng cash assistance ng lokal na pamahalaan ng Legazpi City para sa mga tricycle driver noong March 31, 2022.
Nang mga panahon na iyon si Rosal ay alkalde ng Legazpi City.
Maliban rito, namahagi rin umano ang LGU ng dalawang libong pisong cash pay out para naman sa mga senior citizen noong April 2, 2022 o mahigit 1 buwan nal ang bago ang May 9 elections.
Depensa ni Rosal, ang cash assistance pay out ay kasama sa 2020-2022 medium term public investment program ng lokal na pamahalaan. Hindi rin aniya sIya ang nanguna sa implementasyon nito.
Paliwanag ni Rosal 2021 pa ng sinimulang ipamahagi ang ayuda para sa mga tricycle driver at maging senior citizens.
Ayon sa COMELEC bagamat hindi naman maikukunsiderang vote buying ang ginawa ni Rosal pero pasok ito sa paglabag sa omnibus election code na nagbabawal sa pagrelease ng pondo o proyekto 45 araw bago ang eleksyon.
Madelyn Villar – Moratillo