Indian group, gagawa ng 200 million doses ng Sputnik V ng Russia
MOSCOW, Russia (AFP) – Lumagda ng kasunduan sa isang Indian-based pharmaceuticals giant ang backer ng Sputnik V vaccine ng Russia, para sa produksyon ng naturang bakuna.
Ayon sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), nakipag partner sila sa Virchow Group para sa produksyon ng hanggang 200 milyong doses ng two-dose Sputnik V vaccine sa India, kada taon.
Ang Virchow Biotech, isang subsidiary ng Virchow Group ay inaasahang makapagsisimula ng full-scale commercial production sa unang kalahating bahagi ng 2021.
Sinabi ni RDIF CEO Kirill Dmitriev, na ang kasunduan ay isang mahalagang hakbang para sa full-scale local production ng Sputnik V sa India, at sa pagsu-supply sa partners nila sa buong mundo.
Nitong nakalipas na linggo ay inanunsyo ng RDIF ang isang production agteement para sa hindi bababa sa 200 milyong doses ng Sputnik sa isa pang Indian drugmaker, ang Stelis Biopharma.
Ayon pa sa RDIF, ang bakuna ng Russia na ipinangalan sa Soviet-era satellite ay nakarehistro sa 54 na mga bansa.
Ipinarehistro ng Moscow ang bakuna noong August bago ang large-scale clinical trials, at ayon sa nangungunang medical journal na The Lancet, ang Sputnik V ay ligtas at higit 90% epektibo.
@Agence France-Presse