Indonesian FM, bibisita sa bansa sa Enero 9
Secretary Enrique Manalo
Isasagawa sa bansa ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakdang magpulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indonesian Minister for Foreign Affairs Retno L.P. Marsudi sa bansa sa Enero 9.
Ito ay para sa ika-pitong 7th Philippines-Indonesia Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC).
Sinabi ng DFA na ang JCBC ay ang pangunahing dialogue mechanism ng Pilipinas at Indonesia.
Sa pamamagitan nito, tinatalakay ang mga accomplishment sa mutual collaboration initiatives, at mga plano para sa pagpapalakas pa ng kooperasyon.
Inaasahang mapaguusapan ng dalawang foreign ministers ang mga regional at international issue na common concern sa Pilipinas at Indonesia.
Moira Encina