Indonesian rescuers nagkukumahog nang matagpuan ang 12 nawawalang hikers kasunod ng pagsabog ng Mount Marapi
Nagkukumahog na ang daan-daang Indonesian rescuers upang mahanap ang 12 hikers na nawala matapos sumabog ang isang bulkan, na ikinasawi ng 11 katao.
Ang patay na hikers ay natagpuan nitong Lunes malapit sa crater ng Mount Marapi sa isla ng Sumatra, habang ang iba ay natagpuang buhay at dinala pababa sa bundok sa isang rescue effort na pinahirap ng mga pagputok ng bulkan at masamang lagay ng panahon.
Ang bulkan ay nagbuga sa kalangitan ng ash tower na 3,000 metro (9,800 talampakan) – mas mataas kaysa mismong bulkan, noong Linggo.
Sinabi ni Hendri, head ng operations sa Padang Search and Rescue Agency, “This morning we will deploy around 200 personnel, on top of the personnel who are already staying up there. Until now five bodies have been brought down. The volcano is still erupting.”
Aniya, 12 hikers ang nawawala pa rin hanggang nitong Martes ng umaga at anim na bangkay naman ang kailangan pang maibaba, habang ang lima na una nang naibaba ay isasailalim sa identification.
Sinabi ni Hendri, na tatangkain ng rescuers ang manual evacuations kung posible, dahil sa nagpapatuloy na pagputok ng bulkan at poor visibility.
Ayon kay Ahmad Rifandi, head ng monitoring post ng Marapi, naobserbahan nila ang limang pagputok simula hatinggabi hanggang alas-8:00 ng umaga (local time).
Aniya, “Marapi is still very much active. We can’t see the height of the column because it’s covered by the cloud.”
Sinabi naman ni Abdul Malik, head ng Padang Search and Rescue Agency, na ang tatlong hikers na natagpuang buhay makaraan ang pagsabog ay pawang nasaktan ngunit dinala na sa ospital para sa medical treatment.
Ang pinuno ng volcanology agency ng Indonesia na si Hendra Gunawan, ay nagsabing ang Marapi ay nasa ikalawang lebel sa isang four-tier alert system simula pa noong 2011, at isang three-kilometer exclusion zone ang umiiral sa paligid ng crater nito.
Nitong Lunes ay tila sinisisi niya ang hikers dahil sa paglapit ng mga ito sa crater, sa pagsasabing nagrekomenda sila ng “no human activities” sa naturang lugar.
Ayon sa mga opisyal, ang hikers ay nagparehistro sa pamamagitan ng isang online booking system, subalit ang iba ay maaaring dumako sa ilegal na ruta ng bulkan.
Kabuuang 75 hikers ang nasa talaan ng mga opisyal na nagha-hiking sa bundok simula pa noong Sabado, kung saan 49 ang unang napaulat na nakita at ilan sa mga ito ay may mga paso at bali.
Dagdag pa ng rescue officials, ang search operations ay magpapatuloy sa loob ng pitong araw.
Sinabi ni Eka Purnamasari, isang opisyal mula sa West Sumatra police medical unit, na ang mga namatay ay lubhang nasunog at sinisikap na ng forensic workers na kilalanin ang mga ito sa pamamagitan ng dental at fingerprint records.
Ang Mount Marapi, na ang ibig sabihin ay ‘Mountain of Fire,’ ang pinaka aktibong bulkan sa isla ng Sumatra.