Industriya ng ‘ukay-ukay’ sa bansa gusto ng gawing ligal sa Kamara
Maghahain ng panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si House Ways and Means Committee Chairman Congressman Joey Salceda para maging ligal na ang importasyon at pagbebenta ng ukay-ukay o segunda manong mga damit sa bansa.
Sinabi ni Salceda na dapat ng ipawalang-bisa ang Republic Act 4653 ang batas na nagbabawal ng importation ng mga ukay-ukay.
Ayon kay Salceda kahit bawal ng batas ang importation ng ukay-ukay ay patuloy pa rin itong namamayagpag sa iba’t ibang panig ng bansa.
Inihayag ni Salceda umaabot sa 18 bilyong piso ang industriya ng Ukay-Ukay sa bansa.
Niliwanag ni Salceda kung gagawin ng legal ang industriya ng ukay-ukay kikita ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis.
Vic Somintac