Inflation at El Niño, hindi magandang kombinasyon – NEDA
Aminado si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi magandang kumbinasyon ang nararanasang inflation ng bansa at ang nagbabantang El Niño Phenomenon.
Sa briefing sa Malacañang sinabi ni Balisacan na hindi isinasaisantabi ng NEDA ang masamang epekto ng El Niño sa presyo ng mga bilihin at sa ekonomiya ng bansa.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na ginagawan ng paraan ng gobyerno na maprotektahan ang vulnerable sector sa inaasahang impact ng kalamidad.
Aminado si Balisacan na maaapektuhan ng El Niño ang produksyon ng sector ng agrikultura.
“What we want to ensure is that we can mitigate the negative effects of El Niño.”
“ We can start planning and putting the necessary adjustments now to reduce the negative effects, while at the same time, already making arrangements for the necessary support for those who are most exposed, particularly the vulnerable groups,” paliwanag pa ng opisyal.
“With the inflation, the elevated inflation that we have now, if we are unable to reduce that inflation, and then you get this El Niño phenomenon, that is a dangerous combination and we want to prevent that from happening,” dagdag pa ni Balisacan.
Bahagi naman aniya ng social protection measures ng gobyerno ang pagsisikap na bawasan ang impact ng inflation at El Niño upang mapigilang mas mahulog sa kahirapan ang mga mamamayan.
Sinabi ng NEDA chief na inaasahan ng administrasyon na matatamo nito ang target na 3.5% hanggang 4% na inflation rate sa katapusan ng taon.
“We are actively monitoring the situation and implementing the necessary measures to ensure that by the end of the year, we should be on our target of roughly around 4% and at 3.5 to 4%. So we are on that downward trajectory already,” sinabi pa ng kalihim.
Eden Santos