Inflation bahagyang tumaas
Bahagyang tumaas ang Inflation o presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Marso ngayong taon.
Naitala sa 3.7 ang inflation rate na umabot sa 3.7 percent mas mataas kumpara sa 3.4 percent nitong pebrero ngayong taon.
Nakakaapekto sa galaw ng presyo ng mga bilihin ang mataas pa ring presyo ng karneng baboy, bigas, at pagsirit ng presyo ng gasolina at ipa pang produktong petrolyo.
Ayon kay National Statistician USEC Dennis Mapa, batay sa kanilang datos, tuloy ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy dahil sa hindi pa rin natatapos na problema sa African Swine fever.
Katunayan, ang Kasim umaabot na ngayon 329 pesos ang average price sa mga pamilihan mas mataas sa 315 noong March 2023.
Sa kabila rin ng sinasabing sapat na suplay ng bigas dahil sa magandang ani noong Disyembre tuloy ang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng bigas .
Sa datos ng PSA, ang regular milled rice ay umaabot na ngayon sa 51 pesos kada kilo mula sa dating 39 pesos kada kilo noong March 2023.
Sa pagtaya ng PSA, magpapatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bigas hanggang Hulyo ngayong taon dahil sa mataas na farm gate price o bentahan ng palay at pagtaas rin ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Meanne Corvera