Inflation rate bumilis pa ayon sa PSA
Bumilis pa ang Inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Abril ngayong taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistic Authority, pumalo sa 4.9 percent ang Inflation mas mataas kumpara sa 4 percent noong Marso.
Sinabi ni Usec Dennis Mapa ng PSA na ito na ang naitalang pinakamataas na inflation mula noong January 2019.
Lagpas na rin ito sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 hanggang 4 percent.
Pangunahing nag-ambag sa pagtaas ng Inflation ang mataas na presyo ng pagkain na umabot sa 51.5 percent, transportasyon, krudo at kuryente.
Ang mataas na presyo pa rin ng gasolina sa World market dulot ng gusot ng Russia at Ukraine ang nakikitang dahilan ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Meanne Corvera