Inflation rate ng bansa, bahagyang bumagal
Bahagyang bumagal ang antas ng inflation o pagtaas ng serbisyo at pangunahing bilihin sa bansa.
Sa datos ng Philippine statistic authority , naitala ang inflation rate sa 4.2 percent noong November 2021.
Mas mababa ito sa inflation rate na naitala noong October 2021 sa 4.6 percent.
Ayon kay National statistician USEC Dennis Mapa, kabilang sa mga pangunahing nakadagdag sa pagbagal ng inflation ay ang mga sumusunod na sektor: mas mabagal na paggalaw ng food and non alcoholic beverages sa 3.9 PERCENT.
Kabilang pa dito ang gulay gaya ng sibuyas at bawang, isda tulad ng tamban at karne ng baboy.
Nagpabagal din sa inflation ay ang Housing , water , electricity gas at other fuels maging ang transportasyon.
Meanne Corvera