Inflation rate ng bansa, target mapababa sa susunod na taon
Kumpiyansa ang Department of Finance na mapapababa ang inflation rate ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ” Bongbong ” Marcos jr..
Ayon Kay Finance Secretary Benjamin Diokno, target nila ang 4.2 percent o mas mababa pa na inflation rate sa 2023.
Gayunman, sinabi ng kalihim na sa mga susunod na buwan ay inaasahang mananatili pa rin itong mataas.
Paliwanag nito na hindi naman maaaring pababain ang inflation rate sa loob lang ng magdamag kaya kailangan itong unti-unting gawin.
Eden Santos
Please follow and like us: