Inflation rate pumalo na sa 5.4%
Bumilis pa ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Mayo.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority pumalo na sa 5.4 percent ang Inflation mas mataas kumpara 4.9 percent to nitong Abril.
Ito na ang pinakamataas na inflation mula noong December 2018 na naitala sa 5.2 percent.
Sinabi ni National Statistician Usec Dennis Mapa na tumaas ang presyo ng pagkain tulad ng gulay, baboy, isda,tinapay at pasta products.
Tumaas rin ang singil sa pamasahe sa ilang lugar dahil sa mataas na presyo ng diesel at gasolina.
Pero bumaba naman ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Sinabi ni Mapa ang mataas na presyo ng bilihin ay epekto na ng patuloy na pagsirit ng presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado.
Ngayong araw nagpatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina ang mga kumpanya ng langis.
Meanne Corvera