Inflation rate, pumalo na sa 6 percent noong Nobyembre, ayon sa Economic team ng Malacañang

 

Bahagya nang bumagal ang Inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa budget hearing sa Senado, ini-anunsyo ng mga Economic Managers ng Palasyo na naitala ang pagbaba ng Inflation sa pagkain at mga non-alcoholic beverages hanggang 8 percent habang bumaba sa 4.2 percent ang mga bayarin sa serbisyo gaya ng tubig, kuryente at krudo.

Sinabi ni Budget Undersecretary Karl Chua na ang pagbaba ng inflation rate noong nakaraang buwan ay epekto ng mga ipinatupad na patakaran ng gobyerno at maagapan ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin.

Inaasahan pa aniyang babagsak ang inflation dahil sa pag-stabilize ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *