Inflation rate sa bansa, bababa sa pagtatapos ng 2018 – Malakanyang
Sa gitna ng naitalang 9 year high August 2018 inflation rate na pumalo sa 6.4%, kumpiyansa ang mga economic managers ng Administrasyon na tuluyan din itong babagsak alinsunod sa tinatarget na inflation rate ng pamahalaan sa susunod na taon.
Sa inilabas na statement ng Economic development cluster, sinabi nitong makakaahon ang mga mamimili sa mataas na presyo ng mga bilihin simula sa huling quarter ng taon.
Kung pag-uusapan ay suplay at presyo ng bigas, ngayon pa lang ayon sa economic development cluster ay naka-umang na ang limang milyong sako ng bigas na aangkatin sa susunod na taon.
Bukod pa dito ang inaasahang 12.6 million metric tons ng bigas o 2 daan at 52 milyong sako na maaani ngayong 2018.
Maliban sa bigas, tiniyak ng mga Economic Managers na may ginagawa na silang mga hakbangin upang mapigilan ang patuloy pang pang-alagwa ng inflation dahil sa mataas na presyo sa elektrisidad, gaas, krudo, gasolina, isda, personal transport, gulay at karne.
STATEMENT OF ECONOMIC TEAM ON INFLATION:
“The government’s economic team has previously announced that inflation is expected to peak in the third quarter before tapering off towards the latter part of the year, and then fall within the government’s target by next year. The highest contributors to inflation in August are electricity, gas, and fuels, fish, rice, personal transport, vegetables, and meat. another 5.0 million sacks will be imported early next year harvest has also started in many parts of the country, with the projected harvest for 2018 of 12.6 million MT of rice, the equivalent of 252 million sacks. We remain steadfast in putting forward and accelerating these measures that will address food prices for all Filipinos”.
Ulat ni Vic Somintac