Inflation rate sa bansa, bumaba sa 4.5 percent nitong Marso
Bahagyang bumagal ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong nakalipas na Marso.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 4. 5% ang inflation mula sa 4. 7 noong Pebrero.
Bunsod ito ng mabagal na paggalaw ng presyo ng prutas at gulay gaya ng kalabasa, bawang, prutas gaya ng mansanas at isda kabilang na ang dilis at tulingan at iba pang food and non-alcoholic beverages.
Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, malaki ang naging kontribusyon sa inflation ng pamasahe sa tricycle na umabot sa 47.5%, gasolina na 11. 9% at pamasahe sa jeep.
Sa National Capital Region, bahagya ring bumaba ang presyo ng mga bilihin at serbisyo na naitala na sa 3. 7% mula sa 4. 1% noong Pebrero.
Samantala ang Bicol region ang nakapagtala ng pinakamataas na inflation rate na umabot sa 8% habang sa Central Visayas o Region 7 ang naitalang may pinakamababang presyo ng mga bilihin at serbisyo na umabot lang sa 1.5%.
Meanne Corvera